BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Saturday, March 16, 2013

Truck Driver, tinangay ang minamanehong company truck..

SAMPUNG araw pa lamang umanong nag-aplay na tsuper ang isang lalaki, nagawa na nitong tangayin ang minanehong truck na naglalaman ng iba’t ibang kargamento na nagkakahalagang P150,000 galing sa warehouse sa Balut, Tondo, Manila, nitong nakaraan pang Lunes.
Kamakalawa lamang nagreport ang representative ng JDC Cargo sa Honorio Lopez Boulevard, Balut Tondo na si Robert Sy sa tanggapan ng MPD-Anti-Carnapping and Hi-jacking Unit, upang ireklamo ang suspek na nakilalang si Wilven Masalta Y Gilbuena, nasa hustong gulang, may asawa ng Longos, Malabon City.
Base sa salaysay ni Sy kay SPO1 Gerardo Rivera, may hawak ng kaso, nitong nakaraang Lunes, Enero 28, ng ilabas ang Isuzu Close Van na 6th wheeler (PIS-469) na naglalaman ng mga silicon, picture frame at mga bola ng pingpong na aabot sa halagang P150,000.
Nabatid sa report ng pulisya, isang pahinante ng JDC Cargo na si Jerome Quipanes, 23 anyos, may asawa, ng 96 Tonsuya St.,, Malabon City ang umano’y siyang nagpasok bilang drayber sa nasabing kompanya.
Sampung araw pa lamang umano nakapagtatrabaho si Masalta, pero nagawa na nitong tangayin ang minamanehong truck, kaya bumuo na ng isang manhunt operation ang pulisya laban sa nasabing suspek.




Sunday, February 24, 2013

share from a concern citizen..Mag ingat na din sa modus na ito...

To whom it may concern, may I request na magpasa po kayo ng panukala sa inyong barangay o sa ating syudad na hulihin yung mga modus-operandi ng mga safety gadget and accessories ng mga LPG. Marami na po kasi ang nabibiktima, lalo na ang ating mga senior citizen na alam nila may buwanang pension.

Nakakalungkot na malaman na nabebentahan po sila ng halos umaabot na sampung beses ang presyo ang patong ng mga ito kahit na available naman ito sa hardware at mga malls. Nagagawa nila extra ganda ng gadget nila kahit na isa ito palang ordinaryong nabibili.

Ito ang mga part ng modus:

a) Survey daw po from Census – check nyo yung ID, trading company from Quezon City.
b) Sa safety daw po sila – bakit kailangan mag benta kung safety awareness ang gustong i-share.
c) Sa Duty-Free lang daw mabibili ang mga gadget nila – Eto lang po ang binebenta sa duty free, liquor and wines, chocolates, bags, fragrances, electronic gadgets and watches. So wala po silang ganyan- it’s a part ng kanilang alibi.
d) Imitation daw ang mga nasa market. Yung kanila daw po ay original at made in Japan – Ang mga nabibili sa market specially sa Ace Hardware ay hindi imitation. Hindi naman po siguro pahihintulutan ng SM ang magbenta ng walang DTI certification at fake products.

At sa part ng kanilang survey “daw”, ay yung mga hinihinging information tulad ng pangalan at age ng mga member of family, jobs and description, pati na din yung mga klase ng kasangkapan sa inyong bahay- na iyan po ay violation of the right to privacy na pwedeng maging biktima ng budol-budol gang. Kung safety gadget ang binebenta nila, saan nila gagamitin yung mga information na yan?

Ang mga katulad ng produktong ibinebenta po nila ay mabibili din sa hardware ng MarketMarket @ 5th floor, sa mga Ace Hardware, D.I.Y, etc. sa murang halaga.

So, magkaroon po sana ng pag aaral kung paano mahuhuli ang mga taong walang magawa kundi manloko ng mga kanilang kapwa.



Lalaki sinamurai sa Quezon City patay

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang kainuman nito makaraang samurayin ng dalawang salarin habang naglalakad sa Quezon City kaninang madaling-araw.
Idineklarang patay bandang alas-3:30 ng madaling-araw kanina sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Nicanor Mayubay, 36, ng 1619 Lawin St. Brgy. Commonwealth dahil sa mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang kainuman nitong si Francis Labaro, 29, ng Unit 5, 1557 Yakal St., Brgy. Commonwealth dahil sa sugat sa katawan.
Tumakas naman ang mga salarin na kinilalang sina Gilbert at Jun-jun Labaro matapos ang insidente tangay ang samurai na ginamit sa krimen.
Nauna rito, ayon sa Quezon City Police District, inimbitahan ng testigong si Allan ang mga biktima sa kanilang bahay para mag-inuman at habang naglalakad ay nasalubong nila ang dalawang suspek na nag-aabang sa isang puno ng caimito sa kanto ng Yakal at Lawin St. dakong ala 1:00 ng madaling araw at bigla na lamang sinugod ang mga biktima.
Pinagtataga ng suspek ng samurai ang mga biktima habang ang isa pang testigo na nakilalang Kato ay tinangkang protektahan ang biktima at hinila papasok sa kanilang bahay sa Yakal bago isinugod sa pagamutan.
Gayunman inaalam pa rin ng mga pulis kung ano ang tunay na motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima.



Mag-asawa tiklo sa pagtutulak ng shabu

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawang tulak ng shabu matapos ang pagpapatupad ng search warrant operation laban sa mag-asawa sa Daet, Camarines Norte noong February 21, 2013.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Modesta Villareal, 46, empleyado ng gobyerno at asawa niyang si Rodel Villareal, 48 , tricycle driver, kapwa ng Purok 7, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.
Pasado alas 12:40 ng madaling-araw nang isilbi ng mga elemento ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pangunguna ni Director Archie A Grande ang search warrant na inilabas ni Honorable Roberto A Escaro, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38, Daet, Camarines Norte, sa bahay ng mag-asawang Villareal na kanilang inaresto.
Nakuha sa bahay ng mag-asawa ang may 36 sachet ng shabu na may 14 gramo at tinatayang nasa P180,000 ang halaga at drug paraphernalias.
Dahil dito, nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002



2 HOLDAPER PATAY SA ENGKUWENTRO!

Dalawang notorious na holdaper patay sa engkwentro matapos na manlaban sa Bustos police na humabol sa mga ito habang nakasakay sa isang motorsiklo nang masukol ng mga otoridad sa Brgy. Cambaog, Gen. alejo H-Way, Bustos, matapos ang habulang naganap ng holdapin ng mga ito ang isang negosyante ng baboy sa Brgy. Malamig By-pass road sa nasabing bayan ganap na alas 2:45 ng hapon kahapon…

Sa ulat ni Bustos police chief P/CInsp. Arwin Tadeo, kinilala ang isang suspek na si Eddie Ignacio y Gomez nasa hustong gulang, ng Brgy. Tabang Plaridel, tubong San Vicente Nueva Ecija, habang ang isang suspek ay may tatak na isputnik sa kanang tiyan at isang bigotelyo, payat may taas na 5’5”, habang ang biktima ay nakilalang si Cezar Villanueva y Beltran, 30-anyos, may asawa isang Negosyante ng babay…

Lumabas sa ginawang imbistigasyon ni PO2 Jimglenn Cruz, may hawak ng kaso, bandang alas 2:45 ng hapon habang dumadaan ang sasakyan ng biktima sa by-pass road sa Brgy. Malamig sa nasabing Bayan, bigla umanong itong hinarang at tinutukan ng mga suspek ng baril at kinuha ang wallet at pera ng una, nanagkakahalaga ng P 6,000 piso…

Matapos na maholdap ang biktima, tumalilis na ang mga suspek, na sinundan ng una habang papatakas ang huli, kaagad na nagsumbong sa mga otoridad ang biktima, agad namang nagsagawa ng isang follow-up operation ang Bustos police sa pangunguna ni Maj. Tadeo…

Nang masukol ang mga suspek sa bgy. Cambaog, agad na pinaputukan ng mga ito ang mga otoridad, at nakipagbarilan sa mga ito, namatay agad ang mga suspek na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan, habang nakatakas naman ang (1) isa nilang kasama na sakay ng isang motorsiklo..

Ang mga napatay na mga suspek ang responsible umano sa serye ng holdapan sa mga Bayan ng Bustos, Pandi, Angat, Plaridel, Baliwag, San Rafael at Pulilan…

Nakuha sa mga suspek ang 2 kalibre 38 na puno ng bala, ang wallet ng biktima, 1 Racal 125, na kulay itim, 1 Euro na kulay asul pawang mga motorsiklo, 2 plastic sachet ng pinaghihinalaang droga (Shabu), natuklasan din na si Ignacio ay may kasong Ilegal possession of Fire Arm sa RTC Branch 11, sa sala ni Judge Gabo…



Monday, February 11, 2013

Ilang supporters na nagdikit ng campaign posters sa maling lugar, sinita ng MMDA at PNP

02/12/2013

"Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa pambansang puwesto, may mga nasita na ang MMDA at PNP na mga supporters na nagdikit ng posters at iba pang campaign materials sa maling lugar."
Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa pambansang puwesto, may mga nasita na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) na mga supporters na nagdikit ng posters at iba pang campaign materials sa maling lugar.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), bawal magdikit ng mga poster sa mga eskwelahan, tulay, public buildings, terminals, public utility vehicles, mga puno at mga poste ng ilaw.

Pero may isang naaktuhang naglalagay ng tarpaulin ng kandidato sa pagka-senador sa isang poste ng ilaw.

May 10 kabataan naman ang nagdikit ng posters sa bagong gawang underpass sa Quezon Avenue. Nakipaghabulan pa umano sila sa pulis at MMDA hanggang sa may Sto. Domingo Church.

Kaya ang ginawa ng mga awtoridad, pinigil muna ang inarkilang jeep ng mga ito hangga't hindi nila tinatanggal at nililinis ang ikinabit na mga poster.

Ayon naman sa Twitter account ng Comelec, maaaring isumbong sa kanila ang mga pasaway na maglalagay ng campaign materials sa maling lugar.




Amazing Kid

Amazing Kid