02/12/2013
"Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa
pambansang puwesto, may mga nasita na ang MMDA at PNP na mga supporters
na nagdikit ng posters at iba pang campaign materials sa maling lugar."
Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa pambansang puwesto, may mga
nasita na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at
Philippine National Police (PNP) na mga supporters na nagdikit ng
posters at iba pang campaign materials sa maling lugar.
Ayon sa
Commission on Elections (Comelec), bawal magdikit ng mga poster sa mga
eskwelahan, tulay, public buildings, terminals, public utility vehicles,
mga puno at mga poste ng ilaw.
Pero may isang naaktuhang naglalagay ng tarpaulin ng kandidato sa pagka-senador sa isang poste ng ilaw.
May 10 kabataan naman ang nagdikit ng posters sa bagong gawang
underpass sa Quezon Avenue. Nakipaghabulan pa umano sila sa pulis at
MMDA hanggang sa may Sto. Domingo Church.
Kaya ang ginawa ng
mga awtoridad, pinigil muna ang inarkilang jeep ng mga ito hangga't
hindi nila tinatanggal at nililinis ang ikinabit na mga poster.
Ayon naman sa Twitter account ng Comelec, maaaring isumbong sa kanila
ang mga pasaway na maglalagay ng campaign materials sa maling lugar.
No comments:
Post a Comment