BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Sunday, February 24, 2013

Lalaki sinamurai sa Quezon City patay

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang kainuman nito makaraang samurayin ng dalawang salarin habang naglalakad sa Quezon City kaninang madaling-araw.
Idineklarang patay bandang alas-3:30 ng madaling-araw kanina sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Nicanor Mayubay, 36, ng 1619 Lawin St. Brgy. Commonwealth dahil sa mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang kainuman nitong si Francis Labaro, 29, ng Unit 5, 1557 Yakal St., Brgy. Commonwealth dahil sa sugat sa katawan.
Tumakas naman ang mga salarin na kinilalang sina Gilbert at Jun-jun Labaro matapos ang insidente tangay ang samurai na ginamit sa krimen.
Nauna rito, ayon sa Quezon City Police District, inimbitahan ng testigong si Allan ang mga biktima sa kanilang bahay para mag-inuman at habang naglalakad ay nasalubong nila ang dalawang suspek na nag-aabang sa isang puno ng caimito sa kanto ng Yakal at Lawin St. dakong ala 1:00 ng madaling araw at bigla na lamang sinugod ang mga biktima.
Pinagtataga ng suspek ng samurai ang mga biktima habang ang isa pang testigo na nakilalang Kato ay tinangkang protektahan ang biktima at hinila papasok sa kanilang bahay sa Yakal bago isinugod sa pagamutan.
Gayunman inaalam pa rin ng mga pulis kung ano ang tunay na motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima.



No comments:

Post a Comment