BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Sunday, February 24, 2013

2 HOLDAPER PATAY SA ENGKUWENTRO!

Dalawang notorious na holdaper patay sa engkwentro matapos na manlaban sa Bustos police na humabol sa mga ito habang nakasakay sa isang motorsiklo nang masukol ng mga otoridad sa Brgy. Cambaog, Gen. alejo H-Way, Bustos, matapos ang habulang naganap ng holdapin ng mga ito ang isang negosyante ng baboy sa Brgy. Malamig By-pass road sa nasabing bayan ganap na alas 2:45 ng hapon kahapon…

Sa ulat ni Bustos police chief P/CInsp. Arwin Tadeo, kinilala ang isang suspek na si Eddie Ignacio y Gomez nasa hustong gulang, ng Brgy. Tabang Plaridel, tubong San Vicente Nueva Ecija, habang ang isang suspek ay may tatak na isputnik sa kanang tiyan at isang bigotelyo, payat may taas na 5’5”, habang ang biktima ay nakilalang si Cezar Villanueva y Beltran, 30-anyos, may asawa isang Negosyante ng babay…

Lumabas sa ginawang imbistigasyon ni PO2 Jimglenn Cruz, may hawak ng kaso, bandang alas 2:45 ng hapon habang dumadaan ang sasakyan ng biktima sa by-pass road sa Brgy. Malamig sa nasabing Bayan, bigla umanong itong hinarang at tinutukan ng mga suspek ng baril at kinuha ang wallet at pera ng una, nanagkakahalaga ng P 6,000 piso…

Matapos na maholdap ang biktima, tumalilis na ang mga suspek, na sinundan ng una habang papatakas ang huli, kaagad na nagsumbong sa mga otoridad ang biktima, agad namang nagsagawa ng isang follow-up operation ang Bustos police sa pangunguna ni Maj. Tadeo…

Nang masukol ang mga suspek sa bgy. Cambaog, agad na pinaputukan ng mga ito ang mga otoridad, at nakipagbarilan sa mga ito, namatay agad ang mga suspek na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan, habang nakatakas naman ang (1) isa nilang kasama na sakay ng isang motorsiklo..

Ang mga napatay na mga suspek ang responsible umano sa serye ng holdapan sa mga Bayan ng Bustos, Pandi, Angat, Plaridel, Baliwag, San Rafael at Pulilan…

Nakuha sa mga suspek ang 2 kalibre 38 na puno ng bala, ang wallet ng biktima, 1 Racal 125, na kulay itim, 1 Euro na kulay asul pawang mga motorsiklo, 2 plastic sachet ng pinaghihinalaang droga (Shabu), natuklasan din na si Ignacio ay may kasong Ilegal possession of Fire Arm sa RTC Branch 11, sa sala ni Judge Gabo…



No comments:

Post a Comment