BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Saturday, March 16, 2013

Truck Driver, tinangay ang minamanehong company truck..

SAMPUNG araw pa lamang umanong nag-aplay na tsuper ang isang lalaki, nagawa na nitong tangayin ang minanehong truck na naglalaman ng iba’t ibang kargamento na nagkakahalagang P150,000 galing sa warehouse sa Balut, Tondo, Manila, nitong nakaraan pang Lunes.
Kamakalawa lamang nagreport ang representative ng JDC Cargo sa Honorio Lopez Boulevard, Balut Tondo na si Robert Sy sa tanggapan ng MPD-Anti-Carnapping and Hi-jacking Unit, upang ireklamo ang suspek na nakilalang si Wilven Masalta Y Gilbuena, nasa hustong gulang, may asawa ng Longos, Malabon City.
Base sa salaysay ni Sy kay SPO1 Gerardo Rivera, may hawak ng kaso, nitong nakaraang Lunes, Enero 28, ng ilabas ang Isuzu Close Van na 6th wheeler (PIS-469) na naglalaman ng mga silicon, picture frame at mga bola ng pingpong na aabot sa halagang P150,000.
Nabatid sa report ng pulisya, isang pahinante ng JDC Cargo na si Jerome Quipanes, 23 anyos, may asawa, ng 96 Tonsuya St.,, Malabon City ang umano’y siyang nagpasok bilang drayber sa nasabing kompanya.
Sampung araw pa lamang umano nakapagtatrabaho si Masalta, pero nagawa na nitong tangayin ang minamanehong truck, kaya bumuo na ng isang manhunt operation ang pulisya laban sa nasabing suspek.




Sunday, February 24, 2013

share from a concern citizen..Mag ingat na din sa modus na ito...

To whom it may concern, may I request na magpasa po kayo ng panukala sa inyong barangay o sa ating syudad na hulihin yung mga modus-operandi ng mga safety gadget and accessories ng mga LPG. Marami na po kasi ang nabibiktima, lalo na ang ating mga senior citizen na alam nila may buwanang pension.

Nakakalungkot na malaman na nabebentahan po sila ng halos umaabot na sampung beses ang presyo ang patong ng mga ito kahit na available naman ito sa hardware at mga malls. Nagagawa nila extra ganda ng gadget nila kahit na isa ito palang ordinaryong nabibili.

Ito ang mga part ng modus:

a) Survey daw po from Census – check nyo yung ID, trading company from Quezon City.
b) Sa safety daw po sila – bakit kailangan mag benta kung safety awareness ang gustong i-share.
c) Sa Duty-Free lang daw mabibili ang mga gadget nila – Eto lang po ang binebenta sa duty free, liquor and wines, chocolates, bags, fragrances, electronic gadgets and watches. So wala po silang ganyan- it’s a part ng kanilang alibi.
d) Imitation daw ang mga nasa market. Yung kanila daw po ay original at made in Japan – Ang mga nabibili sa market specially sa Ace Hardware ay hindi imitation. Hindi naman po siguro pahihintulutan ng SM ang magbenta ng walang DTI certification at fake products.

At sa part ng kanilang survey “daw”, ay yung mga hinihinging information tulad ng pangalan at age ng mga member of family, jobs and description, pati na din yung mga klase ng kasangkapan sa inyong bahay- na iyan po ay violation of the right to privacy na pwedeng maging biktima ng budol-budol gang. Kung safety gadget ang binebenta nila, saan nila gagamitin yung mga information na yan?

Ang mga katulad ng produktong ibinebenta po nila ay mabibili din sa hardware ng MarketMarket @ 5th floor, sa mga Ace Hardware, D.I.Y, etc. sa murang halaga.

So, magkaroon po sana ng pag aaral kung paano mahuhuli ang mga taong walang magawa kundi manloko ng mga kanilang kapwa.



Lalaki sinamurai sa Quezon City patay

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang kainuman nito makaraang samurayin ng dalawang salarin habang naglalakad sa Quezon City kaninang madaling-araw.
Idineklarang patay bandang alas-3:30 ng madaling-araw kanina sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Nicanor Mayubay, 36, ng 1619 Lawin St. Brgy. Commonwealth dahil sa mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang kainuman nitong si Francis Labaro, 29, ng Unit 5, 1557 Yakal St., Brgy. Commonwealth dahil sa sugat sa katawan.
Tumakas naman ang mga salarin na kinilalang sina Gilbert at Jun-jun Labaro matapos ang insidente tangay ang samurai na ginamit sa krimen.
Nauna rito, ayon sa Quezon City Police District, inimbitahan ng testigong si Allan ang mga biktima sa kanilang bahay para mag-inuman at habang naglalakad ay nasalubong nila ang dalawang suspek na nag-aabang sa isang puno ng caimito sa kanto ng Yakal at Lawin St. dakong ala 1:00 ng madaling araw at bigla na lamang sinugod ang mga biktima.
Pinagtataga ng suspek ng samurai ang mga biktima habang ang isa pang testigo na nakilalang Kato ay tinangkang protektahan ang biktima at hinila papasok sa kanilang bahay sa Yakal bago isinugod sa pagamutan.
Gayunman inaalam pa rin ng mga pulis kung ano ang tunay na motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima.



Mag-asawa tiklo sa pagtutulak ng shabu

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawang tulak ng shabu matapos ang pagpapatupad ng search warrant operation laban sa mag-asawa sa Daet, Camarines Norte noong February 21, 2013.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Modesta Villareal, 46, empleyado ng gobyerno at asawa niyang si Rodel Villareal, 48 , tricycle driver, kapwa ng Purok 7, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.
Pasado alas 12:40 ng madaling-araw nang isilbi ng mga elemento ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pangunguna ni Director Archie A Grande ang search warrant na inilabas ni Honorable Roberto A Escaro, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38, Daet, Camarines Norte, sa bahay ng mag-asawang Villareal na kanilang inaresto.
Nakuha sa bahay ng mag-asawa ang may 36 sachet ng shabu na may 14 gramo at tinatayang nasa P180,000 ang halaga at drug paraphernalias.
Dahil dito, nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002



2 HOLDAPER PATAY SA ENGKUWENTRO!

Dalawang notorious na holdaper patay sa engkwentro matapos na manlaban sa Bustos police na humabol sa mga ito habang nakasakay sa isang motorsiklo nang masukol ng mga otoridad sa Brgy. Cambaog, Gen. alejo H-Way, Bustos, matapos ang habulang naganap ng holdapin ng mga ito ang isang negosyante ng baboy sa Brgy. Malamig By-pass road sa nasabing bayan ganap na alas 2:45 ng hapon kahapon…

Sa ulat ni Bustos police chief P/CInsp. Arwin Tadeo, kinilala ang isang suspek na si Eddie Ignacio y Gomez nasa hustong gulang, ng Brgy. Tabang Plaridel, tubong San Vicente Nueva Ecija, habang ang isang suspek ay may tatak na isputnik sa kanang tiyan at isang bigotelyo, payat may taas na 5’5”, habang ang biktima ay nakilalang si Cezar Villanueva y Beltran, 30-anyos, may asawa isang Negosyante ng babay…

Lumabas sa ginawang imbistigasyon ni PO2 Jimglenn Cruz, may hawak ng kaso, bandang alas 2:45 ng hapon habang dumadaan ang sasakyan ng biktima sa by-pass road sa Brgy. Malamig sa nasabing Bayan, bigla umanong itong hinarang at tinutukan ng mga suspek ng baril at kinuha ang wallet at pera ng una, nanagkakahalaga ng P 6,000 piso…

Matapos na maholdap ang biktima, tumalilis na ang mga suspek, na sinundan ng una habang papatakas ang huli, kaagad na nagsumbong sa mga otoridad ang biktima, agad namang nagsagawa ng isang follow-up operation ang Bustos police sa pangunguna ni Maj. Tadeo…

Nang masukol ang mga suspek sa bgy. Cambaog, agad na pinaputukan ng mga ito ang mga otoridad, at nakipagbarilan sa mga ito, namatay agad ang mga suspek na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan, habang nakatakas naman ang (1) isa nilang kasama na sakay ng isang motorsiklo..

Ang mga napatay na mga suspek ang responsible umano sa serye ng holdapan sa mga Bayan ng Bustos, Pandi, Angat, Plaridel, Baliwag, San Rafael at Pulilan…

Nakuha sa mga suspek ang 2 kalibre 38 na puno ng bala, ang wallet ng biktima, 1 Racal 125, na kulay itim, 1 Euro na kulay asul pawang mga motorsiklo, 2 plastic sachet ng pinaghihinalaang droga (Shabu), natuklasan din na si Ignacio ay may kasong Ilegal possession of Fire Arm sa RTC Branch 11, sa sala ni Judge Gabo…



Monday, February 11, 2013

Ilang supporters na nagdikit ng campaign posters sa maling lugar, sinita ng MMDA at PNP

02/12/2013

"Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa pambansang puwesto, may mga nasita na ang MMDA at PNP na mga supporters na nagdikit ng posters at iba pang campaign materials sa maling lugar."
Unang araw pa lang ng opisyal na panahon ng kampanya para sa pambansang puwesto, may mga nasita na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) na mga supporters na nagdikit ng posters at iba pang campaign materials sa maling lugar.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), bawal magdikit ng mga poster sa mga eskwelahan, tulay, public buildings, terminals, public utility vehicles, mga puno at mga poste ng ilaw.

Pero may isang naaktuhang naglalagay ng tarpaulin ng kandidato sa pagka-senador sa isang poste ng ilaw.

May 10 kabataan naman ang nagdikit ng posters sa bagong gawang underpass sa Quezon Avenue. Nakipaghabulan pa umano sila sa pulis at MMDA hanggang sa may Sto. Domingo Church.

Kaya ang ginawa ng mga awtoridad, pinigil muna ang inarkilang jeep ng mga ito hangga't hindi nila tinatanggal at nililinis ang ikinabit na mga poster.

Ayon naman sa Twitter account ng Comelec, maaaring isumbong sa kanila ang mga pasaway na maglalagay ng campaign materials sa maling lugar.




Amazing Kid

Amazing Kid


Amazing People 2013 Vids

Amazing People 2013 Vids


Sunday, February 10, 2013

Kung Hei Fat Choi

Dumadagsa na ang mga tao sa Binondo, Maynila kahapon habang inaaba­ngan ang pagsalubong sa Chinese New Year na ipagdiriwang ngayong araw ng Linggo. Panay naman ang pag-iikot ng mga dragon dancers at dagsa rin ang mga vendor ng mga bilog na prutas na itinuturing na pampasuwerte sa pagsalubong sa Bagong Taon..


OFW na na-stranded sa Iran, natagpuang lumulutang sa dagat

NATAGPUANG palulutang-lutang sa dagat ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na magpakamatay sanhi ng matinding depresyon sa Iran.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, na pinapaberipika na nila sa Konsulado ng Pilipinas sa Tehran ang pagpapatiwakal ng hindi binanggit na biktima na kabilang sa may 2000 OFWs na nais-stranded sa Kish Island.
Inatasan na rin ang Konsulado na bigyan ng assistance at maging sa ulat na maraming stran­ded na Pinoy pa ang nasa Kish Island mula sa United Arab Emirates.
Hiniling na rin ng pamilya ng nasawing Pinay na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay at ang pagkakasa sa repatriation nito.
Base sa pahayag ng isang OFW na si Fatima Arandia na nagtatrabaho sa Kish Island simula noong 2006, may apat na araw nang hindi kumain ang nasabing Pinay hanggang sa makita na lamang itong lumulutang sa dagat.
Nagtungo ang biktima sa Dubai mula Pilipinas matapos na kunin ng kanyang nobyo subalit matapos ang isang taon ay nabalitaan na namatay ang kanyang ama at sumunod namang nagkasakit ang kanyang ina.
Bunsod nito, sinabi ng nasabing Pinay na nais na niyang umuwi sa Pilipinas subalit kapos ito sa pamasahe.
Si Arandia ay kabilang sa mga OFWs na tumutulong sa mga stranded Pinoys sa Kish Island.



Thursday, February 7, 2013

Planong Edsa rehabilitation, pinigil muna ni PNoy

Hindi muna matutuloy ang P3.7 bilyong planong rehabilitasyon ng Edsa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, nagdesisyon si Pangulong Benigno Aquino III na pag-aralan munang mabuti ang plano lalo't napakalaking perwisyo ang idudulot nito kapag tuluyan nang sinumulan.

Sa Mayo na dapat magsisimula ang planong rehabilitasyon at inaasahang matatapos sa 2015.

Nahahati ang plano sa tatlong segment kung saan uunahin ang bahagi mula Roxas Boulevard hanggang Julia Vargas sa Mandaluyong. Susundan ito ng bahagi mula Julia Vargas at North Edsa at dederetso hanggang Monumento.


Commemorative P50 bills na may imahe ni San Pedro Calungsod, ilalabas ng BSP

Posibleng mailabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga commemorative San Pedro Calungsod 50-peso bill bago ang kapistahan ng ikalawang Pilipinong santo sa Abril 2.


Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), gugunitain sa limited edition bill ang kanonisasyon ng Pinoy na santo.

Sinabi naman ni dating Ambassador to the Vatica Henrietta De Villa na siya ring chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Secretary General ng national Commission on the Canonization of San Pedro Calungsod na hindi naihabol ang pag-imprenta ng bills sa kanonisasyon noong Oktubre 2012 dahil marami pang lagda at proseso ang kinailangang pagdaanan.

Samantala inaprubahan na rin ng monetary board ng BSP ang pag-isyu ng commemorative medals upang parangalan ang canonization ni Calungsod.

Si Calungsod ang santong Pilipino na misyonaryo sa Ladrones Islands na nasawi noong Abril 2, 1672 sa Guam.

Ganap itong naging santo noong Oktubre 21, 2012 sa pangunguna ni Pope Benedict XVI.




200K trabaho sa Saudi

MANILA, Philippines - Kailangan ngayon ang may 200,000 Pinoy na aplikante sa Saudi at iba pang bansa sa Middle East.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, karamihan sa mga aplikanteng kailangan ay sa lara­ngan ng construction.

“Most of the job openings are in Saudi Arabia, followed by the United Arab Emirates, Oman and Qatar,” ani Cacdac.

Aniya, bibigyan ng monthly salary na $700- $1,000 ang mga mapapalad na aplikante tulad ng highly-skilled workers.

Maging sa Singapore at Malaysia ay nangangaila­ngan ngayon ng mga manggagawang Pinoy.

Pinayuhan ni Cacdac ang mga naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan lamang sa POEA at huwag makipag-deal sa mga ‘bogus’ na recruitment agencies.


Feelingerong Lalaki Napahiya!! :)

Feelingerong Lalaki Napahiya!! :)


Monday, February 4, 2013

Drilon kay P-Noy: Iparamdam sa masa ang lumalagong ekonomiya

Monday, 04 February 2013 16:19

Aminado si Sen. Franklin Drilon na hindi natatapos sa pagpapalago sa ekonomiya ang trabaho ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ayon sa kaalyado ng pangulo, ang susunod na hamon sa administrasyon ay kung paano ipaparamdam sa masa ang paglago ng ekonomiya na noong 2012 ay umangat ng 6.6 percent.

Inihalimbawa ni Drilon ang conditional cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Aniya, hindi ito dapat natatapos sa pamamahagi ng pamahalaan ng P1,400 kada buwan sa bawat mahirap na pamilya dahil kailangan ay magkaroon ito ng resulta gaya ng pagpapaaral ng mga magulang sa kanilang mga anak.




Inarestong Koreano dahil sa pambubugbog, suspek din sa pag-chop-chop ng babae sa Laguna

02/04/2013

Lumalabas na suspek din sa pagchop-chop sa isang babae sa Laguna noong 2011 ang inarestong Korean dahil sa pambubugbog nitong nakaraang linggo.

Nang maipalabas sa TV Patrol ang mukha ng Koreanong si Kim Yoon Hiung, nakilala umano ng testigo sa chop-chop case ni Camille Manaclay ang mukha ni Kim.

Ayon sa saksing nagpakilala lamang na "Boy", si Kim ang sumakay sa kanyang taxi at minura pa siya kaya naalala niya ang itsura nito.

Si Kim ang huling nakitang kasama ni Camille noong 2011 bago matagpuan ang pira-piraso nitong katawan sa Laguna, isang linggo kalaunan.

Inaresto ang Koreano nitong nakaraang linggo matapos ireklamo ng isang dalagang binugbog nito nang imbitahan ng dayuhan at ikulong pa sa condo.

Isa pang Pinay ang lumutang na nabiktima rin ng pambubugbog ng Koreano.

Ani "Kat", binabato siya ng mga mabibigat na bagay ng Koreano kapag lango ito sa droga.

May nabanggit na rin aniya itong napatay na babae sa kanya.

Ayon sa pulisya, nasa pitong biktima ang nagrereklamo laban sa Koreano na tatlong taon nang naninirahan sa bansa.




Claveria, Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

02/04/2013


Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Claveria, Cagayan ngayong alas-4:08 ng hapon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Science Research Assistance Jun Bonitay, naitala ang lindol sa lalim na 23 kilometro at nadama 39 km hilagang silangan ng Claveria, Cagayan.

Tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pinsala at nasawi sa nangyaring lindol.

Hindi rin nakapagtala ng intensity kasunod ng lindol.

Alas-3:16 ngayong hapon lamang nang yanigin ng magnitude 4.5 na lindol ang Baguio City.




Sunday, February 3, 2013

Rapist Nahuli na!

BITBIT ng mga tauhan ni P/Supt. Amante Daro, hepe ng MPD Station 8, ang suspik na si Juaquin Florez Lorito ng Daang Bakal Sta. Mesa, Maynila matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang menor de edad na si Nene, 17 taong gulang.


Crane ship na tutulong sa salvage optn ng USS Guardian, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang crane ship para sa salvage operation sa sumadsad sa USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Matapos makailang ulit na maantala, dumating na ngayong umaga sa lugar ang crane ship na SMIT Borneo mula Singapore.

Una nang inasahang darating ang crane ship noong Pebrero 1 ngunit naantala dulot umano ng masamang panahon.

Sinalubong ito ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pantalan ng Puerto Princesa City, Palawan ay agad na isinailalim sa inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa salvage plan na inilatag ng US Navy, mauumpisahan lamang ang pagpira-pirasuhin ang minesweeper sa pagdating ng crane ship.

Mamayang gabi tutulak ang SMIT Borneo patungong Tubbataha para sa uumpisahang pagkalas sa barko sa Miyerkules, Pebrero 6.

Ayon naman kay Capt. Oscar Idona, commanding officer ng BRP Pampanga posibleng abutin pa ng Marso ang pagkatay sa USS Guardian dahil walang makalapit na barko sa lugar dahil sa malalaking alon.




Pangmatagalang rehabilitasyon at proteksyon ng Tubbataha Reef, tiniyak ng US

Tiniyak ng gobyerno ng Amerika ang pangmatagalang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay ng rehabilitasyon at proteksyon ng Tubbataha Reef kasunod ng pagsadsad ng USS Guardian.

Sinabi ng US sa isang pahayag na ang nangyaring pagsadsad sa Tubbataha ay pagkakataon para bigyang pansin ang bilateral cooperation sa siyensya at teknolohiya upang protektahan ang marine resources ng bansa.

"Coral reefs in the Philippines, including the Tubbataha Reef, are some of the most important biodiversity centers in the world, and helping the Philippines conserve these remarkable resources is a long-standing commitment of the United States Government," ayon pa sa pahayag.

Bukod sa pagbabayad sa danyos, ilang hakbang din ang ipapatupad ng Amerika matapos ang insidente.

Kabilang na rito ang pakikipagpulong ng US Embassy sa mga lokal na coral reef conservation experts ukol sa mga paraan kung paano mapapangalagaan ang Tubbataha Reef.

Makikiisa sa roundtable discussion ang U.S. Agency for International Development (USAID), U.S. National Oceanic and Atmospheric Agency (NOAA), mga kaukulang Philippines agencies, at Tubbataha Management Office (TMO).

Maglalaan din ng P4.1 milyon ang USAID sa isang unibersidad sa Pilipinas para sa coral restoration research ng naturang heritage site.

Isang U.S. interdisciplinary scientific team din ang makikipag-ugnayan sa gobyerno ng bansa para repasuhin ang mga coral reef rehabilitation options sa Tubbataha, ayon sa pag-aaral ng mga lokal na marine scientists.

Bukod pa ito sa isang site survey na gagawin para naman sa pagpapainam ng kalagayan ng ranger station sa Tubbataha. Posibleng magkaroon ng radar at communications equipment na maaaring magamit ng Park Rangers at Philippine Coast Guard (PCG).

Magsasagawa rin ng hydrographic survey data ang US sa tulong ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ng bansa para ma-improve pa ang cartographic information ng Tubbataha.

Sa nakaraang dekada, naglaan na ng P1.9 bilyon ang US para sa marine biodiversity conservation programs sa Pilipinas.



Bundok tinatapyas

BRGY. SAN LUIS ANTIPOLO matatagpuan ang bundok na ito,.Kita kung gaano nilapastangan ang inang kalikasan..sa inyong palagay bakit nangyari ang mga ganitong pagkakataon,Alam kaya ng DENR ang nangyayaring pagsira sa bundok na ito,or may permiso ba galing sa mga kinauukulan..komento lang po...


2 Pinoy crew na dinukot kasama ng Jordanian reporter, pinalaya na

10:13 PM 02/03/2013 

Pinalaya na ang dalawang Pinoy crew na kasama ng isang Jordanian TV reporter na dinukot noong Hunyo 2012. 

Ito ang kinumpirma ni Col. Antonio Freyra ng Sulu Police, na sinusugan din ni Police Senior Supt. Renato Gumban, direktor ng Philippine National Police (PNP) - Anti-Kidnapping Group (AKG).

Sinabi ni Chief Supt. Noel Delos Reyes, regional Director ng ARMM Police, na tumawag bandang alas-10:00 kagabi ang asawa ni
Rolando Letrero at pinakukumpirma ang umano'y tawag ng kanyang asawa dinukot na TV crew.

Dito na kumilos ang AKG at Sulu Provincial Police Office (PPO) at natunton nga sa kwarto ng isang hotel sina Letrero at Ramilito Vela, TV crew ng Al Arabiya TV network, na dinukot sa Sulu.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa at isinasailalim sa medical examination.

Matatandaang nagtungo ang Jordanian reporter na si Baker Atyani kasama ang dalawang Pinoy crew para umano gumawa ng isang dokumentaryo hinggil sa Jolo, Sulu sa Mindanao.

Maayos umanong nakipag-usap si Sulu Governor Sakur Tan kay Atyani at nag-alok ng seguridad at sasakyan ngunit tumanggi ang huli dito.

Hindi umano tumupad sa usapan ang Jordanian journalist at umalis nang hindi nagpapaalam sa Sulu State College Hostel.

Sinasabing hindi rin nag-abiso ang grupo kung saan sa Sulu sila pupunta.

Ilang ulit pang nagsagawa ng rescue operations ang awtoridad para kay Atyani at sa dalawang Pinoy ngunit bigo ang mga ito na matunton ang kanilang kinalalagyan.

Hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dumukot sa grupo ni Atyani ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng awtoridad. 



Saturday, February 2, 2013

MAG-UTOL PINAGTATAGA SA KASALAN

KRITIKAL sa pagamutan ang isang magkapatid matapos pagsasaksakin at pagtatagain ng apat na kalalakihan habang nakikisaya sa kasalan ng mga kaanak sa Caloocan City, Huwebes ng gabi (Enero 31).
Ginagamot sa Tala Hospital si Robert Tinoy, 18 ng Sapang Alat, Pangarap Village ng lungsod, sanhi ng mga taga sa katawan, habang sa East Avenue Medical Center naman ginagamot si Ronnie Tinoy, 27, sanhi rin ng mga taga at saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Nelson Norba, 21; Ryan Gapasinao, 27; Toto Lacroa at Dodoy Galinero, pawang ng Batac St., Banker’s Village.
Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang mag-utol sa kasal ng kanilang kaanak na si Mark Anthony Tinoy at Jessa Lacroa nang lapitan ng mga suspek na may dalang mga bolo at tubong bakal.
Biglang pinagpapalo, pinagtataga at pinagsasaksak ng mga suspek ang magkapatid.
Agad na tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa Tala Hospital bago inilipat sa EAMC si Ronnie dahil sa grabeng pinsala.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng mga suspek sa pananaga..



Biyuda, kulong sa pagtutulak ng droga

SHOOT sa kulungan ang isang biyuda na umano’y tulak ng shabu at kabilang sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang kasabwat niya ang nasakote sa isang buy-bust operation sa Camarines Sur noong Lunes, January 28, 2013.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na sina Joan Masayda, 47 anyos, biyuda, walang hanapbuhay at Jona Dajao, 21, kapwa residente sa Sitio Sagrada Familia, Brgy. Penafrancia,Naga City.
Ayon sa PDEA nakumpiska sa dalawa ang isang medium size sachet ng shabu at P500 na marked money na ginamit sa transaksiyon ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamumuno ni Regional Director Archie Grande.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagalabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26b (Conspiracy to Sell), Article II, of RA 9165, o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, habang detenido sila ngayon sa BJMP Del Rosario, sa Naga City.



Japan, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol; walang pangamba ng tsunami

Isang magnitude 6.4 na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Hokkaido, Japan kagabi, ayon sa Japan Meteorological Agency. 

Wala namang pangamba ng tsunami doon na kasunod ng nabanggit na pagyanig bandang alas-11:30 kagabi.

Una nang sinabi ng US Geological Survey (USGS) na magnitude 6.9 ang lindol na tumama doon.

Bukod dito, wala ring naitalang pagbabago galawa ng Higashidori nuclear plant ng Tohoku Electric Power Company, at Tomari nuclear power plant, na pawang nandoon sa Northern Japan.



Mock polls, sinalubong ng ilang aberya

 Hindi tinanggap na balota, sunog at reklamo sa magulong listahan ng mga botante ang ilan sa mga aberyang sumalubong sa isinagawang mock elections ng Commission on Elections ngayong Sabado. 

Sa pag-arangkada ng mock polls sa UP-Integrated School sa Quezon City, nasaksihan mismo ni Comelec Chairman Sixto Brillantes kung paanong hindi tinanggap ng precinct count optical scan (PCOS) machine ang balotang ipinapasok dito.

Sinubukan ng mga board of election inspectors (BEI) na ipasok sa apat na posibleng paraan ang balota sa makina ngunit hindi ito nagtagumpay.

Higit 10 minuto ring naantala ang proseso dahilan upang ilatag ang contingency plan at palitan ang makina.

PCOS din ang naging problema sa mock election sa Misamis Occidental, Misamis Oriental at Cagayan De Oro kung saan bigo ang makinang mag-transmit ng boto.

Ayon kay Comelec Commissioner Grace Padaca na personal na nagmasid sa mock elections sa mga naturang probinsiya, itatama nila ang mga problemang dulot ng PCOS.

Sa mga litrato namang ipinadala ng isang Bayan Patroler mula Baseco sa Tondo, Maynila, kitang kinailangan pang ilabas ng silid ng board of election inspectors ang PCOS para makakuha ng signal.

Tumulong na rin ang kinatawan ng Comelec dahil ilang beses hindi nakapag-transmit ang makina.

Sa panayam ng Radyo Patrol sa unang botante sa P. Bernardo High School sa QC na si Bernardina Ruelo, 50-anyos, sa kabuuan maayos at naging madali ang kanyang pagboto.

Ngunit may suhestyon si Ruelo ukol sa unang hakbang.

"Mahirap maghanap ng pangalan kasi rumble s'ya. Sa isang barangay, isang presinto, (dapat may) isang listahan," panukala pa nito.

Dahil umano sa clustered precinct ang pinagbotohan niyang presinto, pinagsama-sama ang mga pangalan ng botante mula sa limang presinto dahilan upang matagalan siyang mahanap ang kanyang pangalan.

Isang bahagi naman ng ikalawang palapag ng gusali sa City Central School sa Cagayan de Oro City ang nasunog alas-7:25 kaninang umaga.

Dahil dito, bahagyang nagkagulo ang daloy ng mock elections na isinasagawa sa unang palapag ng gusali dahil sa usok na lumabas mula sa laboratory room ng paaralan.

Agad na gumamit ng fire extinguisher ngunit hindi ito naging sapat at tumawag na ng kawani mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)

Natuloy naman ang operasyon ng mock polls matapos.

Sa kabuuan, 10 lugar sa buong bansa ang lumahok sa mock elections ng Comelec.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng sunog.

Brillantes: Mock election, naging maayos sa kabuuan

Nanindigan naman si Comelec Chairman Sixto Brillantes na naging maayos sa kabuuan ang mock elections sa kabila ng ilang aberya.

Ayon naman kay Comelec spokesperson Atty. James Jimenez, naging problema ang kulot na dulong bahagi ng balota.

"Pero ito lang, kailangan natin yung buong sistema... ang resulta ng pagtingin natin dito ang balota ang may problema pero kailangan nating tingnan ang makina," ani Jimenez.

Sa aktwal na eleksyon, tiniyak ni Jimenez na kung sakaling mangyari ang ganitong senaryo sa 81,000 PCOS machines, mayroon silang higit 2,000 reserba para maging contingent machines.

Sinabi naman ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Tita de Villa na mabuti na ring nakita na ngayon ang ilang aberya para maitama at maiwasan na sa mismong araw ng halalan sa Mayo.

"I'm actually happy. While I was initially nervous, I'm glad it happened because you saw there's a contingency plan in place," ang pahayag ni de Villa sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

Alas-7:00 ng gabi magsasagawa ng random audit ang board of canvassers para mabatid kung magtutugma ang bilang ng PCOS sa nakasaad sa balota.


Depende sa kalalabasan, sinabi ni Brillantes na posibleng magsagawa sila ng panibagong mock elections.





HOLDAPER KINUYOG NG TAUMBAYAN!

Isang holdaper ang ang nahuli at binugbog ng taong bayan..


NoKor may panibagong banta vs US re: pagkampi sa rocket launch ng Seoul

SEOUL, South Korea - Panibagong banta na naman ngayon ang inilabas ng North Korea laban sa Amerika, makaraang suportahan ng Washington ang ginawa ng South Korea na paglunsad ng rocket kamakalawa.

Ayon sa North Korean Foreign Ministry, double standard ang ginagawa ng US sa pagpabor sa South Korea gayung ang paglunsad umano ng rocket ng Pyongyang ay kinondena at pinatawan pa ng sanction ng United Nations Security Council.

Dahil dito inihayag ng Pyongyang na kanila raw gagantihan ang Estados Unidos bagama't hindi naman nagdetalye kung anong ganti ang gagawin.

Una nang napaulat na ngayon ay nakahanda na ang Hilagang Korea na magsagawa ng pangatlong nuclear test na mariin namang kinokondena ng Amerika at mga kaalyadong bansa.



Lola patay matapos tumaya ng LOTTO!

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 79-anyos na lola na isang lotto fanatic matapos aksidenteng mabangga ng isang prime mover truck habang galing sa pagtaya sa isang lotto outlet sa Barangay Sta. Maria sa Zamboanga City.

Malubhang sugat sa ulo ang tinamo ng biktimang si Catalina Mendoza Persona na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Naitakbo pa ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Ayon sa driver ng truck na kinilalang si Clin Timtim Moratalla, hindi umano niya napansin ang biktima habang tumatawid ito sa kabilang kalsada kaya nabangga niya ito.

Napag-alaman ng otoridad mula sa mga kamag-anak ng biktima na matagal na rin itong tumataya sa lotto.

Mismo ang attendant ng lotto outlet kung saan nanggaling ang biktima ang nagpatunay na halos araw-araw tumataya doon ang biktima.

Sa ngayon ay naka-detain na sa selda ng Zamboanga City Police Station 7 ang driver ng truck habang inihahanda ang pagsampa ng kaso laban dito. 



250,000 Twitter accounts, na-hack sa cyber attack

Hindi nakaligtas ang microblogging website na Twitter sa serye ng cyber attacks laban sa ilang US institutions.

Kinumpirma ng Twitter sa kanilang blog post na 250,000 accounts ang naapektuhan makaraang ma-hack ang kanilang site.

Na-access umano ng hackers ang ilang impormasyon ng users kagaya ng mga pangalan at email addresses.

Ayon sa kompaniya, noong nakaraang linggo nang una nilang ma-detect ang cyber attack kaya't naglunsad ng imbestigasyon.

"This week, we detected unusual access patterns that led to us identifying unauthorized access attempts to Twitter user data. We discovered one live attack and were able to shut it down in process moments later," ani Bob Lord, director of information security ng Twitter. "However, our investigation has thus far indicated that the attackers may have had access to limited user information."

Kaugnay nito ay ni-reset ng Twitter ang passwords ng mga apektadong user at ni-revoke ang session tokens kung saan ang isang user ay maaaring maka-log in kahit hindi na kailangan na isulat pa muli ang password.

Pinadalhan ng email ang mga apektadong users upang i-reset ang kanilang passwords.

Ang cyber attack laban sa Twitter ay kasunod ng reklamo rin ng New York Times at Wall Street Journal na biktima rin ang mga ito ng cyber attack.

Isinisi ng dalawang pahayagan sa China ang pang-aatake laban sa kanilang website.

Ang Washington Post at Bloomberg News ay inanunsyo na rin na tinarget din sila ng kahalintulad na cyber attack.

Bagama't hindi tinukoy ng Twitter ang China, ginawa naman nilang reference ang nangyari sa nabanggit na mga news organizations.

Sinabi ni Lord na hindi kagagawan ng amateur ang naturang pang-aatake at hindi rin umano sila naniniwalang isolated incident lamang ang nangyari.

"This attack was not the work of amateurs, and we do not believe it was an isolated incident. The attackers were extremely sophisticated, and we believe other companies and organizations have also been recently similarly attacked," dagdag pa ni Lord. (CNN)



Oyo Boy Sotto, -di raw galit sa GF ng ama na si Pauleen Luna.

Nilinaw ngayon ng anak ni Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto na wala itong sama ng loob sa kasintahan ng kaniyang amang si Pauleen Luna.

Ayon kay Oyo Boy, wala siyang galit sa TV host-actress kungdi naiilang lamang.

Nakikita naman daw niyang masaya ngayon ang kaniyang ama at ito raw ang mahalaga.

Sinabi pa ni Oyo na hangad lang naman nila para sa kanilang ama ay ang magkaroon ito ng lifetime partner lalo't sila aniyang mga anak ay may sarili nang buhay.

Sa panig naman ni Bossing Vic, sinabi nitong masaya at tahimik ang kaniyang love life ngayon.