Posibleng mailabas na ng Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP) ang mga commemorative San Pedro Calungsod 50-peso bill
bago ang kapistahan ng ikalawang Pilipinong santo sa Abril 2.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP),
gugunitain sa limited edition bill ang kanonisasyon ng Pinoy na santo.
Sinabi naman ni dating Ambassador to the Vatica Henrietta De Villa na
siya ring chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting
(PPCRV) at Secretary General ng national Commission on the Canonization
of San Pedro Calungsod na hindi naihabol ang pag-imprenta ng bills sa
kanonisasyon noong Oktubre 2012 dahil marami pang lagda at proseso ang
kinailangang pagdaanan.
Samantala inaprubahan na rin ng
monetary board ng BSP ang pag-isyu ng commemorative medals upang
parangalan ang canonization ni Calungsod.
Si Calungsod ang santong Pilipino na misyonaryo sa Ladrones Islands na nasawi noong Abril 2, 1672 sa Guam.
Ganap itong naging santo noong Oktubre 21, 2012 sa pangunguna ni Pope Benedict XVI.
No comments:
Post a Comment