BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Saturday, February 2, 2013

NoKor may panibagong banta vs US re: pagkampi sa rocket launch ng Seoul

SEOUL, South Korea - Panibagong banta na naman ngayon ang inilabas ng North Korea laban sa Amerika, makaraang suportahan ng Washington ang ginawa ng South Korea na paglunsad ng rocket kamakalawa.

Ayon sa North Korean Foreign Ministry, double standard ang ginagawa ng US sa pagpabor sa South Korea gayung ang paglunsad umano ng rocket ng Pyongyang ay kinondena at pinatawan pa ng sanction ng United Nations Security Council.

Dahil dito inihayag ng Pyongyang na kanila raw gagantihan ang Estados Unidos bagama't hindi naman nagdetalye kung anong ganti ang gagawin.

Una nang napaulat na ngayon ay nakahanda na ang Hilagang Korea na magsagawa ng pangatlong nuclear test na mariin namang kinokondena ng Amerika at mga kaalyadong bansa.



No comments:

Post a Comment