BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Saturday, February 2, 2013

Lola patay matapos tumaya ng LOTTO!

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 79-anyos na lola na isang lotto fanatic matapos aksidenteng mabangga ng isang prime mover truck habang galing sa pagtaya sa isang lotto outlet sa Barangay Sta. Maria sa Zamboanga City.

Malubhang sugat sa ulo ang tinamo ng biktimang si Catalina Mendoza Persona na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Naitakbo pa ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Ayon sa driver ng truck na kinilalang si Clin Timtim Moratalla, hindi umano niya napansin ang biktima habang tumatawid ito sa kabilang kalsada kaya nabangga niya ito.

Napag-alaman ng otoridad mula sa mga kamag-anak ng biktima na matagal na rin itong tumataya sa lotto.

Mismo ang attendant ng lotto outlet kung saan nanggaling ang biktima ang nagpatunay na halos araw-araw tumataya doon ang biktima.

Sa ngayon ay naka-detain na sa selda ng Zamboanga City Police Station 7 ang driver ng truck habang inihahanda ang pagsampa ng kaso laban dito. 



No comments:

Post a Comment