Monday, 04 February 2013 16:19
Aminado si Sen. Franklin Drilon na hindi natatapos sa pagpapalago sa
ekonomiya ang trabaho ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Ayon sa kaalyado ng pangulo, ang susunod na hamon sa administrasyon ay
kung paano ipaparamdam sa masa ang paglago ng ekonomiya na noong 2012 ay
umangat ng 6.6 percent.
Inihalimbawa ni Drilon ang conditional cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Aniya, hindi ito dapat natatapos sa pamamahagi ng pamahalaan ng P1,400
kada buwan sa bawat mahirap na pamilya dahil kailangan ay magkaroon ito
ng resulta gaya ng pagpapaaral ng mga magulang sa kanilang mga anak.
No comments:
Post a Comment