BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Sunday, February 3, 2013

Crane ship na tutulong sa salvage optn ng USS Guardian, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang crane ship para sa salvage operation sa sumadsad sa USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Matapos makailang ulit na maantala, dumating na ngayong umaga sa lugar ang crane ship na SMIT Borneo mula Singapore.

Una nang inasahang darating ang crane ship noong Pebrero 1 ngunit naantala dulot umano ng masamang panahon.

Sinalubong ito ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pantalan ng Puerto Princesa City, Palawan ay agad na isinailalim sa inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa salvage plan na inilatag ng US Navy, mauumpisahan lamang ang pagpira-pirasuhin ang minesweeper sa pagdating ng crane ship.

Mamayang gabi tutulak ang SMIT Borneo patungong Tubbataha para sa uumpisahang pagkalas sa barko sa Miyerkules, Pebrero 6.

Ayon naman kay Capt. Oscar Idona, commanding officer ng BRP Pampanga posibleng abutin pa ng Marso ang pagkatay sa USS Guardian dahil walang makalapit na barko sa lugar dahil sa malalaking alon.




No comments:

Post a Comment