BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Sunday, February 10, 2013

OFW na na-stranded sa Iran, natagpuang lumulutang sa dagat

NATAGPUANG palulutang-lutang sa dagat ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na magpakamatay sanhi ng matinding depresyon sa Iran.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, na pinapaberipika na nila sa Konsulado ng Pilipinas sa Tehran ang pagpapatiwakal ng hindi binanggit na biktima na kabilang sa may 2000 OFWs na nais-stranded sa Kish Island.
Inatasan na rin ang Konsulado na bigyan ng assistance at maging sa ulat na maraming stran­ded na Pinoy pa ang nasa Kish Island mula sa United Arab Emirates.
Hiniling na rin ng pamilya ng nasawing Pinay na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng kanilang mahal sa buhay at ang pagkakasa sa repatriation nito.
Base sa pahayag ng isang OFW na si Fatima Arandia na nagtatrabaho sa Kish Island simula noong 2006, may apat na araw nang hindi kumain ang nasabing Pinay hanggang sa makita na lamang itong lumulutang sa dagat.
Nagtungo ang biktima sa Dubai mula Pilipinas matapos na kunin ng kanyang nobyo subalit matapos ang isang taon ay nabalitaan na namatay ang kanyang ama at sumunod namang nagkasakit ang kanyang ina.
Bunsod nito, sinabi ng nasabing Pinay na nais na niyang umuwi sa Pilipinas subalit kapos ito sa pamasahe.
Si Arandia ay kabilang sa mga OFWs na tumutulong sa mga stranded Pinoys sa Kish Island.



No comments:

Post a Comment