BalitaanMo!

BalitaanMo!
balitaanmo!

Sunday, February 3, 2013

2 Pinoy crew na dinukot kasama ng Jordanian reporter, pinalaya na

10:13 PM 02/03/2013 

Pinalaya na ang dalawang Pinoy crew na kasama ng isang Jordanian TV reporter na dinukot noong Hunyo 2012. 

Ito ang kinumpirma ni Col. Antonio Freyra ng Sulu Police, na sinusugan din ni Police Senior Supt. Renato Gumban, direktor ng Philippine National Police (PNP) - Anti-Kidnapping Group (AKG).

Sinabi ni Chief Supt. Noel Delos Reyes, regional Director ng ARMM Police, na tumawag bandang alas-10:00 kagabi ang asawa ni
Rolando Letrero at pinakukumpirma ang umano'y tawag ng kanyang asawa dinukot na TV crew.

Dito na kumilos ang AKG at Sulu Provincial Police Office (PPO) at natunton nga sa kwarto ng isang hotel sina Letrero at Ramilito Vela, TV crew ng Al Arabiya TV network, na dinukot sa Sulu.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa at isinasailalim sa medical examination.

Matatandaang nagtungo ang Jordanian reporter na si Baker Atyani kasama ang dalawang Pinoy crew para umano gumawa ng isang dokumentaryo hinggil sa Jolo, Sulu sa Mindanao.

Maayos umanong nakipag-usap si Sulu Governor Sakur Tan kay Atyani at nag-alok ng seguridad at sasakyan ngunit tumanggi ang huli dito.

Hindi umano tumupad sa usapan ang Jordanian journalist at umalis nang hindi nagpapaalam sa Sulu State College Hostel.

Sinasabing hindi rin nag-abiso ang grupo kung saan sa Sulu sila pupunta.

Ilang ulit pang nagsagawa ng rescue operations ang awtoridad para kay Atyani at sa dalawang Pinoy ngunit bigo ang mga ito na matunton ang kanilang kinalalagyan.

Hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dumukot sa grupo ni Atyani ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng awtoridad. 



No comments:

Post a Comment