Hindi muna matutuloy ang P3.7 bilyong planong rehabilitasyon ng Edsa.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, nagdesisyon si Pangulong Benigno Aquino III na pag-aralan munang mabuti ang plano lalo't napakalaking perwisyo ang idudulot nito kapag tuluyan nang sinumulan.
Sa Mayo na dapat magsisimula ang planong rehabilitasyon at inaasahang matatapos sa 2015.
Nahahati ang plano sa tatlong segment kung saan uunahin ang bahagi mula
Roxas Boulevard hanggang Julia Vargas sa Mandaluyong. Susundan ito ng
bahagi mula Julia Vargas at North Edsa at dederetso hanggang Monumento.
No comments:
Post a Comment