02/04/2013
Lumalabas na suspek din sa pagchop-chop sa isang babae sa Laguna noong
2011 ang inarestong Korean dahil sa pambubugbog nitong nakaraang linggo.
Nang maipalabas sa TV Patrol ang mukha ng Koreanong si Kim Yoon Hiung,
nakilala umano ng testigo sa chop-chop case ni Camille Manaclay ang
mukha ni Kim.
Ayon sa saksing nagpakilala lamang na "Boy", si
Kim ang sumakay sa kanyang taxi at minura pa siya kaya naalala niya ang
itsura nito.
Si Kim ang huling nakitang kasama ni Camille noong
2011 bago matagpuan ang pira-piraso nitong katawan sa Laguna, isang
linggo kalaunan.
Inaresto ang Koreano nitong nakaraang linggo
matapos ireklamo ng isang dalagang binugbog nito nang imbitahan ng
dayuhan at ikulong pa sa condo.
Isa pang Pinay ang lumutang na nabiktima rin ng pambubugbog ng Koreano.
Ani "Kat", binabato siya ng mga mabibigat na bagay ng Koreano kapag lango ito sa droga.
May nabanggit na rin aniya itong napatay na babae sa kanya.
Ayon sa pulisya, nasa pitong biktima ang nagrereklamo laban sa Koreano na tatlong taon nang naninirahan sa bansa.
No comments:
Post a Comment